FDA sa DOH: Ipamahagi ang COVID-19 vaccines sa LGUs kapag may clearance na

Nagpaalala ang Food and Drug Administration (FDA) sa Department of Health (DOH) na ipapamahagi lamang ang COVID-19 vaccines sa local government units pag naka-secure na ito ng doses ng certificate of analysis at na-clear na para gamitin sa tao.

Ginawa ni FDA Director-General Eric Domingo ang pahayag matapos na suspendihin ng ilang lokal na pamahalaan ang pagbabakuna ng Sinovac vaccine dahil wala pang inilalabas na certificate of analysis.

Paliwanag ni Domingo, ang certificate of analysis ay pruweba na dekalidad at ligtas ang ituturok na bakuna.

Ang ginagawa umano kasi ay dine-deliver na at naka-reposition na agad ang mga bakuna para pag dumating na ang certificate of analysis ay magamit na agad.

Kaya lamang, mas mainam umanong kumpleto na lahat ng tests ng bakuna bago i-deliver sa LGUs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *