SAN ANTONIO-Naiturn-over na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 3 ang tulong pangkabuhayan nito sa mga myembro ng mangingisda ng San Antonio, Zambales nakaraang araw.
Ang Technology Demonstration Package para sa Processing ng Fish Smoking at Bottling ay nagkakahalaga ng 500,000 pesos.
Ito ay bahagi ng tulong mula sa BFAR Region 3 para sa mga myembro ng San Miguel-Pundakit Fisherfolks Association sa ilalim ng Bayanihan II Inclusive Enterprise Development Project.
Layon nitong matulungan na magkaroon ng iba pang kabuhayan ang samahan para sa karagdagang kita.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: SAZ Public Information Office