Fernandez, welcome ang settlement sa pagitan ni Obiena, PATAFA

Ikinatuwa ni Ramon Fernandez, ang chef-de-mission ng bansa sa nalalapit na Southeast Asian Games, matapos na nagkasundo na ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at ang pole vaulter na si EJ Obiena, matapos ang mahabang buwan na hindi pagkakaintindihan.

Sa gitna nito, inatasan rin ang Philippine Sports Commission (PSC) board member na subaybayan ang paghahanda at actual participation ngTeam Philippines sa Vietnam, kung saan pressured ang mga Pinoy athletes na mapanatili ang overall crown.

Sinabi nito na ang anumang internal dispute na kinabibilangan ng mga atleta at national sports associations (NSAs) ay ang huling bagay na kailangan ng delegasyon bago sumabak sa mission sa Hanoi mula May 12 hanggang 23.

Giit ni Fernandez, kailangan matuto ng aral ang lahat mula sa naturang insidente.

Mababatid na matapos magkasundo, nakatakdang iwelcome ng PATAFA si Obiena pabalik sa national team pool at i-endorso ito sa international events, kabilang na sa SEA Games, kung saan siya ang defending champion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *