7.1M internally displaced sa Ukraine – UN

Papalo sa mahigit 7.1 million ang tinatayang internally displaced dulot ng giyera ng Russia sa Ukraine, kung saan sila ang mga umalis sa kanilang mga bahay, pero nananatili parin sa bansa.

Ayon bilang na inilabas ng United Nations’ International Organization for Migration ay mataas mula sa 6.48 million internally displaced persons (IDPs) na tinaya sa unang pag-aaral ng IOM noong March 16.

Sinabi ni IOM director general Antonio Vitorino, na dahil sa tumataas na humanitarian needs sa ground, kanakailangan ang mga humanitarian corridors para payagan ligtas na evacuation ng mga sibilyan at matiyak ang ligtas na transportasyon at paghahatid ng much-needed humanitarian aid upang matulungan ang mga ito.

Sa survey ng IOM, sinasabing 59 percent ng IDPs ay mga kababaihan.

Sa kanilang pagtaya rin, 2.4 million katao ang lumikas sa Kyiv region; 2.4 million sa east; at 1.7 million sa north.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *