FIBA: Gilas fans, nanawagan para sa pagbabalik ni Tab Baldwin

Titiyakin umano ng mga fans ng Gilas Pilipinas na ang kanilang sentimyento ay malalaman sa Linggo, matapos matalo ang national team sa 88-63, laban sa New Zealand sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Bagama’t nananatili ang suporta sa mga players ng Gilas, tumataas naman ang pagkadismaya ng mga fans, sa parehong ground at online, matapos mahirapan ang national team sa Tall Blacks sa second half.

Dahil sa pagkadismaya, umalis na ang mga nanunuod na fans sa Big Dome bago paman ang final buzzer, at karamihan sa kanila ay nag-iwan pa ng mensahe para sa SBP, kung saan hinihiling ang pagbabalik ni dating national team coach Tab Baldwin.

Mababatid na wala pang komento na inilalabas si Baldwin sa publiko kaugnay sa kanyang pag-alis sa Gilas program.

Samantala, hindi pa rin nakakausap ng SBP si Baldwin, matapos itong palitan bilang head coach.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *