‘Fiction’ ang kasunduan na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal-NSC

Iginiit ng National Security Council (NSC) na hinding-hindi pababayaan ng bansa ang BRP Sierra Madre (LST-57) – isang aktibong barkong kinomisyon ng Philippine Navy.

Ayon kay NSC spokesperson Jonathan Malaya, walang record at wala ring legal na dokumento, pati verbal agreement na may kasunduan ang Pilipinas sa Tsina na aalisin ang barko sa dagat.

Giit ni Malaya, kahit makipagpatintero araw-araw sa China ay magpapatuloy pa rin ang suporta at pagpapadala ng suplay sa militar ang bansa.

Sinabi naman ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commander Jay Tarriela na dapat patunayan ng Beijing at hindi lang hanggang sabi-sabi ito.

Sa huli, tinawag ng Konseho na ‘fiction’ o gawa-gawa ang kasunduan na alisin ng Pilipinas mula sa Ayungin Shoal ang BRP Sierra Madre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *