Presyo ng diesel sa Camarines Norte naglalaro sa P65 hanggang P66 kada litro gasolina naman P66 hanggang P78 kasunod ng panibago na namang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo

CAMARINES NORTE – Nagpatupad muli ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis epektibo nitong Martes, August 8, 2023.

Dahil dito naglalaro ngayon sa P65 hanggang P66 ang presyo ng kada litro ng diesel habang P66 hanggang P78 naman sa gasolina.

Sa Shell Mancruz nasa P66. 40 ang kada litro ng fuel save diesel, P79.00 sa V power diesel, P71. 95 sa fuel save gasoline at P78. 35 sa kada litro naman ng v- power gasoline.

Sa Seaoil, P65. 35 ang kada litro ng exceed diesel, P66. 30 sa Extreme U at P66. 80 sa Extreme 95.

Sa katabi naman nitong Caltex nasa P65. 70 ang kada litro ng diesel, P66. 70 sa silver at P67. 20 sa Platinum.

Sa PTT gasoline station P64. 25 ang kada litro ng kanilang blue diesel, P65. 85 sa Blue Gasoline 93+ at P67. 00 sa  Blue Gasoline 95+.

Sa Petron Pandan P64. 30 ang kada litro ng disesel, P65. 95 sa Xtra advance, P67. 25 sa XCS at P67. 30 sa Turbo diesel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *