Filipino freelancers – isa sa may pinakamababang sahod sa buong mundo

Nakuha ng Pilipinas ang ika-7 puwesto sa mga bansang nagbibigay ng pinakamababang bayad o sweldo sa mga freelancers.

Sa isang pag-aaral ng invoicing software company na Bookip , ang average price per job ng isang Filipino freelancer ay $106.70 o P6,110.

Samantala, nangunguna naman sa listahan ang Colombia na may average rate na $72.13.

Sinusundan ito ng Brazil na may average rate na $79.81; Argentina na may average rate na $80.84; Jamaica na may average rate na $88.63; Venezuela na may average rate na $93.41; at Germany na may $102.35.

Samantala, sa ulat ng Philippine Statistics Authority – umakyat ng 27.2% o 11.79M ang bilang ng mga self-employed persons, kabilang na ang mga freelancers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *