Petisyon ng transports kaugnay sa PUVMP, under deliberation pa ng SC

Ilang linggo bago mapaso ang extended deadline ng consolidation sa PUV Modernization program – wala pang desisyon ang Korte Suprema sa petisyon ng mga transport groups.

Hiling kasi ng mga ito ang temporary restraining order laban consolidation ng PUV Modernization Program.

Ayon kay bagong-talagang SC Spokesperson Camille Ting, sa kasalukuyan ay under deliberations pa rin ng korte ang nasabing petisyon.

Mababatid na nagsagawa ng panibagong tigil-pasada ang grupong PISTON at MANIBELA bilang pagtutol pa rin sa programa.

Samantala, ilang mga transport group na rin ang naniniwala na ang pagkakasa ng ganitong klaseng protesta ay hindi na uso at hindi na uubra.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *