Fire officer at Penology examinations gagawin na rin sa Daet ngayong Oktubre

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Civil Service Commission na gagawin na rin dito sa Daet ang Fire Officer Examination (FOE) at Penology Officer Examination (POE).

Bukod pa ito sa Career Service Examination Pen and Paper Test (CSE-PPT) professional at sub professional na tatlong beses nang ginawa sa lalawigan.

Ayon kay Camarines Norte CSC Acting Director II Atty. Alicia Salinas ang Daet ay isa nang official examination center kaya dito na gagawin ang mga nabanggit na examinations.

Sinabi ito ni Salinas sa isinagawang Kapihan sa PIA via zoom na nilahukan ng ilang miyembro ng local media.

Aniya, inaprobahan ng CSC na maging official examination center ang Daet upang hindi na magtungo pa sa Naga o sa Legazpi ang mga kukuha ng nabanggit na examinations.

Unang nagsagawa ng CSE- PPT sa Daet noong March 13, June 19 at August 7.

Naka- schedule naman ang Fire Officer at Penology Officer Examinations sa October 23.

Dahil sa mas maluwag na restrictions mas marami na rin ngayon ang ma- aacomodate na examinees at balik na sa 25 kada classroom.

Nasa 500 examinees umano ang nakatakdang kumuha ng FOE at POE sa Oktubre.

Ani Salinas makakaasa ang mga taga Camarines Norte na sa tuwing may examination ay palaging dito na sa Daet ito gagawin.

Ito umano ay para maiwasan ang interzonal movement dahil naririyan pa rin ang banta ng COVID- 19.

Malaking kagaanan din ito sa mga kukuha ng exam dahil hindi na gagastos pa ng malaki sa paglabas ng probinsiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *