“Folding bed for Rent” sa ONP, iniimbestigahan na ng pamunuan

Ikinagulat ng Ospital ng Palawan ang usapin kaugnay sa “Folding bed for rent” sa loob ng pagamutan.

Ayon kay Chief Nurse Dr. Theresa Silva, ang usapin na mayroong empleyado ng ospital na nagpaparenta nito ay hindi agad nalaman ng pamunuan.

Dagdag pa ni Dr. Silva, nitong sabado lamang niya nalaman sa Brigada News FM ang pagbubunyag ng empleyado na si Emilio A. Eyana Jr. na nagpaparenta ito ng higaan sa mga pasyente o nagbabantay sa halagang 300.00.

Kaugnay nito ay magsasagawa ng imbestigasyon ang ospital sa usapin para malaman kung may ibang kasama ang gumagawa nito sa pampublikong ospital na mahigpit na ipinagbabawal.

Hindi rin lusot sa imbestigasyon ang mga nurse sa pagamutan.

Nag-ugat ang usapin matapos magreklamo sa Brigada ang isang may pasyente dahil nang pumasok sila nitong nakalipas na Biyernes ng gabi ay wala raw bakanteng higaan para sa pasyente at itinuro umano sila ng isang nurse sa mga gwardya para mahanap ang nagpaparenta ng folding bed.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *