Isang ginang at pamangkin nito, na-scam ng nagpanggap na vlogger

Nanghihinayang ngayon si “Sirlen” ng Brgy. Sicsican sa Puerto Princesa.

Nabiktima kasi sila ng kanyang pamangkin ng scammer na nagpanggap na isang vlogger.

Kahapon ng umaga ay tumawag ang isang numero sa kaniya na mula sa lungsod ng Naga na magpapadala raw ng tulong para sa mga subscriber nito.

Sa pag-aakalang magkakapera ay ibinigay ni Sirlen ang kanyang Gcash number na hiningi ng suspek.

Sinabi ng suspek na papadalhan siya ng 5, 000.00 pero ang sabi umano ng scammer ay hindi maipadala sa kanyang G-cash account ang ipinangakong halaga kaya binigay nito na lang ang account ng pamangkin.

Dahil sa tiwala ay ibinigay rin ng biktima ang 4 digit- password (OTP) ng kanyang pamangkin hanggang sa nalaman na lang nito na nailipat na sa iba ang laman ng gcash na ipambabayad sana hinuhulogan na cellphone.

Samantala, nakumpirma nilang scammer ang ka-transaksyon nang kumpirmahin mismo nito na hindi lehitimong vlogger matapos makuha ang pera ng biktima.

Aminado ang mga biktima na nagkamali sila dahil sa pagtitiwala pero hangad nila ngayon na magsilbing babala para sa iba ang naranasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *