Former rebel na pinaslang, hinatid na sa kanyang huling hantungan; libing, sinabayan ng indignation rally

SORSOGON CITY – Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang 28-anyos na construction worker at former rebel (FR) na pinagbabaril hanggang sa mapatay sa isang kasalan noong Abril 30 sa Brgy San Pascual, Casiguran, Sorsogon.

Ang libing ay sinabayan ng indignation rally ng mga FRs. Kinondena ng mga ito ang karahasang ginagawa ng dati nilang kasamahan sa hukbo.

Sa natanggap na impormasyon ng Brigada News, ang biktima umano ay pinipilit ng dating kasamahan na bumalik na sa hukbo, subalit tinanggihan ito ng biktima.

Kung babalikan, ang biktimang si Nestor Hubilla Sarmiento, residente ng nasabing barangay, ay pinagbabaril ng tatlong armadong lalaki habang nakikipag-inuman sa likuran ng kanilang bahay. Nasagip naman sa kaliwang paa ng ligaw na bala ang isang sibilyan.

Hustisya pa rin ang sigaw ng pamilya sa nasabing pamamaslang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *