Fuel subsidy ng mga tricycle drivers, hindi pa rin natatanggap

KORONADAL CITY- WALA pang impormasyon ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board o LTFRB Region 12 sa kung kailan matatanggap ng mga tricycle drivers ang kanilang fuel subsidy sa ilalim ng Pantawid Pasada Program.

Ayon kay LTFRB 12 regional director Paterno Reynato Padua na ang listahan na isinumite ng mga local government units (LGU) sa Department of the Interior and Local Government o DILG ay direktang isinumite sa central office at hindi na dumaan sa kanilang tanggapan.

Dagdag pa ni Padua na central office na rin ang nagsagawa ng validation sa listahan ng mga qualified beneficiaries at kung magkano ang matatanggap ng mga ito.

Kaugnay nito, hinihikayat ng opisyal ang mga tricycle drivers na hintayin lang na pumasok sa kanilang mga e-wallet katulad ng GCash account ang fuel subsidy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *