Fully vaccinated individuals sa Bicol, nasa 18% na nang target

BICOL—Bagamat malayo pa sa target ang bilang ng mga nababakunahan laban sa COVID-19 ay tuloy-tuloy pa rin ang vaccination rollout sa Bicol region.

Base sa pinakahuling vaccine statistics report ng Department of Health (DOH) Bicol, nasa 18% na ng target ang fully vaccinated sa ngayon, mas mataas ng isang porsyento sa ulat nitong Oktubre 20.

Mahigit 100% na ang bakunado sa A1 piriority group o mga heath workers, 47% sa A2 o mga senior citizens, 60% sa A3 o individuals with comorbidity habang 7% pa lang sa A4 o uniformed personnel at 1.13% pa lang sa Other priorities.

Sa kabuuan, umaabot na sa 763,782 ang completely vaccinated kung saan 526,410 nito ang nakatanggap ng second dose ng iba’t-ibang uri ng bakuna habang 237,372 ang nabakunahan ng one shot Janssen vaccine.

Umaabot naman sa 873,340 ang mga nakatanggap na ng first dose ng bakuna.

26% na ang vaccination coverage o mga nabakunahan sa parehong first at second dose kung saan umaabot na sa 1,637,122 doses ang naibabakuna sa kabuuang 2,291,900 doses ng COVID-19 vaccine na natanggap ng Bicol region.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *