Fully vaccinated laban sa COVID 19 sa region 12, nasa 18.53% pa lang

KORONADAL CITY- NASA 18.53% pa lamang ng target population ang fully vaccinated laban sa COVID 19 sa buong Soccsksargen region.

Ito ang inihayag ni Department of Health o DOH 12 Health Education and Promotion Officer Arjohn Gangoso batay sa tala noong October 25.

Ayon kay Gangoso na 3,490,115 na mga indibidwal ang target nilang mabakunahan laban sa COVID 19 ngunit 646,552 pa lamang ang fully vaccinated.

Ito aniya ay malayo pa sa target na 70% herd immunity.

Kaugnay nito, nanawagan si Gangoso sa lahat na may edad 18 anyos pataas, may comorbidity man o wala na magpabakuna na upang maabot na ng rehiyon ang herd immunity bago matapos ang taong 2021.

Dagdag pa nito na may sapat na alokasyon ng bakuha ang rehiyon at iba’t ibang brands na ang dumarating dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *