Air assets ng AFP at PNP pinagagamit ni PRRD sa pagdeliver ng COVID-19 vaccines sa mga probinsiya

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang mga air assets ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa paghahatid ng mga COVID-19 vaccines sa mga probinsiya.

Sa kanyang televised speech, sinabi ng Pangulo na layon na nito na mapabilis ang paghahatid ng mga bakuna sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Nais kasi ni Pangulong Duterte na pagdating ng bakuna sa bansa ay agad itong maiturok sa mga tao.

Hinimok naman ng Pangulo ang mga LGUs at mga kinauukulang ahensiya na magkaroon ng mahigpit na ugnayan para mapabilis ang proseso sa pagbabakuna.

Ang bagong sistema ay matapos umanong masilip ni Pangulong Duterte ang ilang problema sa vaccine delivery na nagpapabagal sa vaccination drive ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *