German diplomat arestado sa Brazil matapos madawit sa pagkamatay ng asawa

Inaresto ng mga otoridad sa Rio de Janeiro ang German diplomat na si Uwe Herbert Hahn kaugnay sa pagkamatay ng asawa nitong isang Belgian.

Ayon sa mga pulis, may nakita silang butas sa pahayag ni Hahn na namatay ang asawa nito matapos mahulog sa kanilang apartment kasunod ng pagkakasakit nito.

Sinabi ng mga imbestigador na matibay ang ebidensiya nila dahil sa mga nakitang injury sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng nasawi.

Sina Hahn at asawa nito ay 23-years nang nagsasama.

Matatandaan na sinabi ni Hahn na nasawi ang kanyang asawa matapos mahulog sa kanilang apartment pero may nakitang mga bakas ng dugo sa ilang bahagi ng kanilang tirahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *