Germany, nag-ulat ng bagong record ng COVID-19 incidence bago ang plano nitong magluwag ng restriksyon

Naiulat ng Germany ang record high 7-day incidence ng COVID-19 nitong Martes, ilang araw bago ang plano nito na pagluluwag ng mga restriksyon.

Naitala ng Robert Koch Institute ang 198,888 na bagong infections, na 42,000 na mas mataas kung ikukumpara noong nakaraang linggo.

Dahil diyan ay umabot ang kabuoang dami ng infections ng Germany sa mahigit 17.4 million.

Samantala, nadagdagan rin ng 283 na katao ang death toll ng Germany na dahilan para umabot ang kabuoang dami ng nasawi sa 125,873.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *