Japan, nagpataw ng sanctions sa 17 karagdagang Russians, kabilang na ang mga bilyonaryo

Nagdesisyon ang Japan na i-freeze ang assets ng karagdagang 17 indibidwal na Russians na dahilan para umabot ang kabuoang dami ng target ng sanctions na ipinataw dahil sa invasion ng Russia sa Ukraine sa 61.

Kasunod ito ng pagpapataw ng US ng sanctions sa ilang indibidwal na Russians kabilang na sa bilyonaryo na si Viktor Vekselberg at sa 12 miyembro ng Duma, na lower house ng parliament ng Russia.

Kasama rin si Vekselberg sa target ng sanctions ng Japan, at maging ang 11 miyembro ng Duma at 5 miyembro ng pamilya ng banker na si Yuri Kovalchuk.

Inihayag ng top spokesman ng Japanese government na si Hirokazu Matsuno na nakalinya ang mga aksyon ng Japan sa mga sanctions na ipinapataw ng iba pang G7 nations sa Russia.

Nagpatupad rin ng sanctions ang Tokyo sa central bank ng Russia at sa 7 pribadong bangko at sa iba pang mga organisasyon; at pati na rin sa iba’t-ibang Belarusians na indibidwal at banko at organisasyon ng Belarus dahil sa kanilang pagsuporta sa Russian invasion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *