Gilas, gold medal sa Asian Games matapos ang 61 years

Nasungkit ng Pilipinas ang gold sa sa 19th Asian Games men’s basketball finals sa Hangzhou Olympic Sports Center, matapos ang laban ng Gilas sa Jordan.

Nabawi ng bansa ang Asian championship matapos ang 61 na taon, na sobrang ikinatuwa ng kuponan at ng head coach nito na si Tim Cone.

Nagtapos si Justin Brownlee nang may 20 puntos, 10 rebounds, 5 assists, at 2 steals.

Naging makasaysayan rin ang laro ng Jordan nang masungkit nito ang kauna-unahang silver medal sa men’s 5-on-5 basketball.

Samantala, nakakuha ng bronze ang China kasunod ng 101-73 na laban sa Chinese Taipei.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *