GM Zandro Gestiada pinahaharap ngayong araw sa SB Basud kaugnay sa hiling na suporta ng Canoreco para sa franchise application

CAMARINES NORTE – Pinahaharap ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Basud si General Manager Zandro Gestiada sa regular na sesyon ngayong araw kaugnay hiling na suporta ng Camarines Norte Electric Cooperative sa mga Local Government Unit para sa franchise renewal nito sa 2028.

Makaraan ngang maisama sa agenda ng sesyon noong nakaraang linggo ay ini- refer sa Committee on Public Utility ang sulat ni Gestiada na humihiling sa  SB na magpasa ng resolusyong sumusuporta sa franchise application.

Nais ng mga miyembro ng konseho na mapakinggan ang Canoreco hinggil sa franchise application at matanong na rin ng ilang mga bagay na may kinalaman sa operasyon ng naturang kooperatiba ng kuryente.

Matatandaan na  batay sa draft resolution na kalakip ng sulat ni Gestiada sa SB inilatag nito ang mga dahilan kung bakit dapat silang mabigyan ng franchise.

Sa loob umano ng mahigit 40 taon na operasyon ng kooperatiba ay malaki na raw ang naging pagbabago sa operasyon nito.

Sa panahon rin umano ng bagyo at kalamidad, mabilis ang pag aksyon ng mga kawani at lupon ng Canoreco upang maiwasan ang mga sakuna at mabilisang maibalik ang suplay ng kuryente sa probinsiya.

Patunay rin daw sa maayos na takbo ng Canoreco ang AAA category na iginawad ng National Electrification Administration na hawak ngayon ng kooperatiba sa loob ng anim na taon.

Patuloy rin daw itongĀ  nagpapatupad ng mga pagbabago upang mapanatili ang maayos at epektibong serbisyo ng kooperatiba sa mga member- consumer owner.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *