Go-Duterte tandem 2022 polls, susuportahan ng PDP-Laban members- Cusi

Nasa 90 percent ng PDP-Laban members ang susuporta sakali umanong piliin ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo kasama ang kanyang long-time aide na si Senador Bong Go sa darating na eleksyon.

Ayon kay PDP-Laban party-list vice chairman Energy Secretary Alfonso Cusi, naniniwala syang mahina na ang 90 percent na susuporta kung ito ang maging desisyon ng pangulo.

Gayunman, sinabi ni Cusi na kahit sino namang piliin ng pangulo na maging running mate sa 2022 polls, makakatanggap ito ng parehong suporta mula sa partido.

Dagdag ng opisyal, di naman na secret ang Go-Duterte tandem para sa 2022 elections at mayroong resolusyon para rito.

Pero sinabi umano ni senador Go na wag syang isama sa adhikain.

Nang tanungin naman si Cusi kung ieendorso ng PDP-Laban ang Go-Duterte tandem sa susunod na eleksyon, sinabi nitong sumasailalim ang partido sa proseso ng pagpili ng standard bearer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *