Eleazar, pinaiimbestigahan sa CIDG ang COVID-19 vaccine schedule fixers

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na imbestigahan ang mga umano’y fixers ng vaccination schedules. 

Sa isang statement, sinabi ng PNP na ang mga fixers na ito ay nanghihingi ng bayad kapalit ng mas maagang schedule para sa pagbabakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa PNP chief, makikipag-coordinate sila sa mga lokal na pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng nasabing modus.

Ginawa ni Eleazar ang pahayag matapos na ibahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na dalawang fixers ang nahuling nanghihingi ng bayad mula sa mga recipients kapalit ng mas maagang schedule sa vaccination program ng lungsod.

Sinabi ni Eleazar na posibleng ginagawa rin sa ibang lugar ang nasabing scheme.

Binigyang diin ng PNP na dapat sinusunod ang prioritization sa vaccination program ng pamahalaan kaya pinaaalalahanan nya ang publiko na wag pumasok sa mga ganitong ilegal na operasyon dahil libre ang vaccination. 

Hinimok naman ni Eleazar ang mga mayroong impormasyon tungkol sa mga fixers na iulat agad ito sa mga otoridad o sa pamamagitan ng E-Sumbong platforms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *