Go, pinuri ang paglulunsad ng bagong TESDA Malasakit Training Program

Binati ni Senator Christopher “Bong” Go ang Technical Education and Skills Development Authority, dahil sa matagumpay na paglulunsad ng Malasakit Training Program.

Ang naturang event, ay nagmarka ng unang araw ng pagsasanay para sa 500 benepisyaryo ng programa na naglalayung magbigay sa mga displaced at iba pang unemployed workers ng pagkakataon na mabuo ang bagong kakayahan, mapaganda ang job prospects at makapagsimula ng careers.

“Alam niyo, mabigat para sa akin ang salitang ‘malasakit’, ‘yung talagang totoong nagmamalasakit ka sa kapwa mo Pilipino. Kaya masaya ako na ang hangarin ng mga Malasakit Centers program ay in-adopt ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng TESDA,” saad ni Go.

Sa kanyang mensahe, tinalakay ng mambabatas ang kahalagahan ng programa sa gitna ng economic slowdown na dulot ng COVID-19 pandemic.

Pinuri nito ang naturang hakbang at inisyatibo na gaya ng TESDA Malasakit Helpdesks na ideneploy sa mga paliparan kung saan maaring makapagparehistro ang mga overseas Filipino workers, para sa programa ng ahensya o makapaghatid ng kanilang mga concerns.

“Mahalaga ang TESDA Malasakit Program sa pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan, lalo na ‘yung mga labis na naapektuhan ng pandemya. Sa tulong ng programang ito, makakatanggap ang mga beneficiaries ng training upang sila ay magkaroon ng bagong skill set at ng kakayahang makapaghanapbuhay,” explained Go, before vowing to actively support the initiative to ensure its continued success.

“Tutulungan ng programang ito na maipabuti ang kinabukasan ng ating mga mamamayan at ng ating inang bayan. Ito ang klaseng programa na nais kong ipagpatuloy, dagdagan at palakasin pa sa mga susunod na taon,” pag-gigiit ng senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *