Go, inilahad ang biz, economic plans sa harap ng industry leaders

Binigyang diin ni presidential aspirant Senator Christopher Lawrence “Bong” T. Go ang kahalagahan ng pagpapatuloy sa mga programa ng Duterte Administration, partikular na ang mga nagpo-promote sa economic growth at pagpapaganda sa kapakanan ng mga Pilipino.

Kaugnay nito, iprenesenta ni Go ang kanyang campaign platform, kabilang na ang kanyang plano na may kaugnayan sa negosyo at ekonomiya, sa harap ng mga miyembro ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), ang pinakamalaking business organization sa bansa, sa ginanap na PCCI’s Presidentiables’ Forum noong November 18, na isinagawa bilang bahagi ng 47th Philippine Business Conference and Expo.

Sa kanyang opening statement, iginiit ni Go ang kanyang battle cry na “Serbisyong may tapang at malasakit” , kung saan nangako ito ng patuloy na pagpapatupad at pagpapaganda sa kasalukuyang programa ng administrasyon kabilang na ang Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3) microfinancing scheme program na nagbibigay ng tulong sa micro, small, at medium enterprises (MSMEs).

Sinabi pa ng mambabatas na target ng pamahalaan ang recovery sa 2022 sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa MSMEs, partikular ang paghahatid ng access sa credit at financial assistance sa mga distressed businesses, at pag-aatas sa mga government financial institutions na palawakin ang kanilang credit programs para matulungan ang mga apektadong MSMEs na maabot ang kanilang liquidity needs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *