Gobyerno, nais gawing vaccination sites ang mga public at private clinics

Inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III na plano ng gobyerno na palawakin ang vaccination sites sa bansa kung saan ay isasama na rito ang mga public at private clinics.

Layon nito na mabakunahan kontra COVID-19 ang mas maraming Pilipino.

Ayon kay Duque, nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Medical Association para maisakatuparan ang naturang inisyatibo.

Ipinunto ng kalihim na magiging bahagi ito ng inilunsad kamakailan na “Resbakuna sa mga Botika” noong January.

Naniniwala si Duque na mas madaling mapupuntahan ng mga tao ang vaccination sites kung gagawin ito sa mga lokal na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *