4 na centenarians sa Albay, nakatanggap ng tig-P100K

Apat na centenarian mula sa Albay ang nakatanggap ng centenarian cash gift mula sa Department of Social Welfare and Development.

Nagkakahalagang PhP 100,000.00 bawat isa mula sa ang binigay sa mga lolo at lola na umabot sa 100 years old.

Mismong si Ms. Ruffa Banastao, DSWD V centenarian focal ang personal na bumisita sa mga lolo’t lola na sina Socorro Salle ng Polangui; Amanda Cresencio ng Daraga; Josefa Boncacas at Isidro Cao ng Tabaco City.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10868 s. of 2016, o ang Centenarians Act of 2016, ang lahat ng Pilipinong aabot ang edad sa 100 ay pagkakalooban ng pamahalaan ng Letter of Felicitation at ng halagang PhP 100,000.00.

Ito ay bilang pagkilala at pagbibigay respeto sa mga senior citizens na nakaabot ng 100 years at higit pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *