Govt, planong ibenta sa mas murang presyo ang langis para sa mga PUVs

Plano ng state-owned Philippine National Oil Co. (PNOC) na simulan sa susunod na buwan ang pagbenta ng langis sa murang halaga para sa mga targeted beneficiaries, sa harap ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis.

Ayon kay newly installed PNOC president Jesus Cristino Posadas, na tututok ang PNOC sa pagbili ng diesel, sa gitna na patuloy silang nakapagtatala ng malaking increases sa petroleum products na kadalasa’y ginagamit ng mga drivers, dahil ito ay traditionally cheaper.

Sa gitna nito, target rin ng PNOC na umupa ng storage capacities mula sa oil players para mapalitan ang fuel stock, matapos ang kanilang pagpapalabas sa mga benepisyaryo at bayaran ang mga kinauukulang financing institutions.

Sinabi ni Posadas na handa ang PNOC na tumanggap ng proposals mula sa industry players na magpapahintulot sa gobyerno na mag-set up ng petroleum reserve, na makakatulong na mabawasan ang epekto ng accelerating oil prices sa global market. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *