Far-flung barangays sa Bicol, pinuntahan ng health care workers para sa pagbabakuna

LEGAZPI CITY – Sinusuyod na ng health care workers ang mga malalayong barangay sa Bicol upang magsagawa ng pagbabakuna sa mga hindi pa bakunado at kulang pa sa vaccine.

Ayon kay Dr. Monrey Isaiah Mancilla, COVID-19 Program Coordinator ng Department of Health (DOH) Bicol, ginagawa na ng mga lokal na pamahalaan ang lahat upang makapagbakuna sa mga residente.

Malaking hamon, aniya, sa ahensya ang mga ginagawang istratehiya dahil may mga taong ayaw magpabakuna.

Dagdag pa nito, kailangang malaman ng mga tao ang kahalagahan ng bakuna sa katawan upang malabanan ang COVID-19.

Paglilinaw ni Mancilla, ang bakuna ay hindi kaaway kundi isang kakampi na magbibigay ng proteksiyon laban sa nasabing sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *