Grade 4 student mula sa Sto. Tomas City, Gold Medalist sa larong Badminton

Sto. Tomas City – Nasungkit ng isang Grade 4 student mula sa Maratha Christian Academy of Sto Tomas, Batangas Inc. ang gintong medalya para sa Single Boys Badminton sa Sto. Tomas Division Athletic Meet 2024.

Siya si Prinz Matheiu Dulang, siyam na taong gulang mula Sto. Tomas City. Kwento niya, apat na taong gulang pa lang daw siya nang turuan ng kaniyang ama sa larong badminton.

Payo niya sa mga kabataang nagnanais ding maging mahusay sa larangan ng badminton, maging matiyaga lamang upang makamit ang kanilang inaasam.

Ayon naman kay May Dulang, ang ina ni Prinz, suportado niya ang kaniyang anak lalo na sa pangarap nitong maging isang magaling na atleta.

Samantala, dagdag sa kaligayahang nararamdaman ngayon ng mag-anak ang pagkasungkit din sa gold medal ng kanilang panganay na anak na si D’niel Nico Dulang sa parehong sports para sa Senior high School Single Boys Badminton.

Sa ngayon ay naghahanda na si Prinz at ang kaniyang kapatid para sa kaniyang laban sa Regional meet na gaganapin sa sa Sta. Rosa City, Laguna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *