Grupo ng mag-aasukal, sinopla ang additional tax sa sweetened beverages

Kinontra ng Philippine Sugar Millers Association ang ipinapanukala ng economic managers na pagpapataw ng karagdagang buwis sa mga sweetened beverages.

Ayon kay PSMA executice diector Jesus Barrera, sinabi niyang imbis na magtaas ng P12 na buwis, bakit daw hindi na muna siguruhin ang mas epektibo at efficient na pangongolekta ng excise tax.

Sabi ni Barrera, mayroon naman nang mga umiiral na batas para sa tax collection pero hindi naman ito naipapatupad nang maayos.

Sa katunayan, mayroon na raw na-raid ang BIR na mga warehouses kung saan ay nalamang hindi pala ito nagbabayad ng buwis.//LGD, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *