Grupo ng mga bakers, humiling ng pandesal price hike

Hiniling ng grupo ng mga bakers na taasan ang presyo ng pandesal, dahil sa tumataas na presyo ng raw materials, mula sa P2 sa P2.50.

Ayon kay Princess Lunar, director ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino, na kailangan ng price increase para mapanatili umano nila ang kalidad ng kanilang produkto, at para manatiling buhay ang kanilang negosyo.

Sa ngayon, natatakot umano silang magtaas sa presyo ng pandesal, dahil baka sa iba na may murang presyo bumili ang kanilang mga customers.

Dahil dito, binigyang diin ni Lunar, na napipilitan ang ilang bakeries na magbawas ng tao, at paliitan ang size ng kanilang pandesal. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *