SWS: 46% na mga Pilipino, naniniwalang gaganda ang ekonomiya sa 2023

Naniniwala ang less than half ng mga Filipino adults na gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na 12 buwan.

Batay sa resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), nadiskubreng 46% ng mga respondents ang “economic optimists” habang 28% naman ang nagsabing mananatili parin ang ekonomiya, at anim na porshento ang naniniwalang mas lalala pa ito.

Ang net economic optimism score ay +40 na apat na puntos na mas mababa sa +44 na naitala noong Disyembre ng nakaraang taon.

Sa kabila nito, ikinokonsidera parin ng SWS ang naturang score bilang “excellent.”

Isinagawa ng independent pollster ang face-to-face survey noong April 19-27, 2022 sa 1,440 adults, kung saan 360 ang mga respondents sa bawat Balance Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *