Guiguinto MDRRMO at Bulacan PDRRMO katuwang na rin ng Botolan sa paghahanap sa isang biktima ng pagkalunod

Tumutulong na rin maging ang Guiguinto MDRRMO at Bulacan PDRRMO sa Botolan MDRRMO sa paghahanap sa isa pang biktima ng pagkalunod noong Sabado.

Ngayong araw ay nagpapatuloy ang search and retrieval operation ng mga otoridad para mahanap ang 13-anyos na biktimang si Rayne Santiago.

Ayon sa Botolan MDRRMO mayroon pang drone na manggagaling MDRRMO Guiguinto para makatulong sa paghahanap sa biktima.

Samantala, pinasalamatan naman ng LGU Botolan ang Bulacan PDRRMO at Guiguinto sa tulong ng mga ito sa operasyon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Mdrrmo Botolan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *