PSA Bicol, naglunsad ng community-based monitoring system

LEGAZPI CITY – Inilunsad ng Philippine Statistic Authority (PSA) ang Community-based Monitoring System (CBMS) sa Bicol Region sa mga Local Government Units (LGU).

Ayon kay Cynthia Perdiz, Regional Director ng nasabing tanggapan, napakahalaga ang Community-based Monitoring System sa rehiyon dahil sa makakapag-generate ng local disaggregation ang mga LGU o hindi kaya ng census at surveys.

Aniya, makakakuha dito ng impormasyong may kinalaman sa kalusugan, nutrisyon, istruktura ng bahay na tinitirahan, access sa malinis na tubig o palikuran, edukasyon, trabaho, kabuhayan, at iba pa.

Ang mga impormasyong ito ay magsisilbing mga sukatan o indicators ng kalagayan ng pamumuhay ng mga sambahayan at mga komunidad sa bansa.

Dagdag pa nito, gagamitin ang datos mula sa CBMS bilang basehan: 1) ay pagsusuri ng tunay na kalagayan ng kabuhayan ng mga sambahayan sa ating bansa; 2) makagawa ng nauukol na plano at programa ang mga lokal na pamahalaan at ang national government upang maibsan ang kahirapan sa bansa; at 3) pagtukoy sa mga karapat-dapat na benepisyaryo ng iba’t ibang social protection programs ng pamahalaan.

Sinabi ng opisyal, dito na rin matutukoy kung sino ang nararapat na mabibigyan ng interventions o ng tulong ng gobyerno dahil sa isasailalim rin ito sa evaluation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *