Gurong nanampal ng isang estudyante sa Antipolo City, pinatawan ng 90-day preventive suspension ng DepEd

Pinatawan ng 90-day preventive suspension ng Department of Education ang gurong nanampal umano sa grade 5 student na si Francis Jay Gumikib sa Antipolo City.

Ayon sa DepEd, ipinataw ang suspensyon habang nagpapatuloy ang administrative proceedings laban sa guro.

Samantala, ngayong linggo inaasahang ilalabas ng PNP medicolegal division ang autopsy report sa pagkamatay estudyante.

Bago ito, magsasagawa pa histopath exam ang PNP forensic group sa labi ni Francis upang malaman ang dahilan ng kamatayan ng nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *