Habagat na pinalakas ng dalawang bagyo, patuloy na magpapaulan sa bansa

Asahan nang patuloy na uulanin ang ilang bahagi ng bansa ngayong araw dahil sa southwest moonsoon o hanging habagat na patuloy na naiimpluwensyahan ng dalawang weather systems.

Ayon sa PAGASA, minomonitor pa rin nito ang Typhoon Fabian na huling namataan sa layong 740 kilometers silangan hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na pumapalo sa 130 kph malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 160 kph.

Sa labas naman ng Philippine Area of Responsibility ay ang severe tropical storm Cempaka na huling namataan sa layong 1,090 kilometers ng extreme northern Luzon na nagtataglay ng 95 kph na lakas ng hangin malapit sa gitna at pagbugso na pumapalo sa 95 kph.

Dahil diyan ay asahan na ang moonssoon rains sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Adminsitrative Region, Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, northern Palawan kabilang na ang Calamian at Cuyo Islands, Batanes, at Babuyan Islands.

Para naman sa Western Visayas at sa nalalabing bahagi ng Luzon ay asahan na ang kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat.

Mararanasan rin ang parehong kondisyon sa iba pang bahagi ng bansa dahil pa rin sa Southwest Moonsoon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *