Halaga ng pinsala ng El Niño sa agrikultura sa bansa, pumalo na sa mahigit P1 bilyon

Pumalo na sa mahigit P1 bilyong piso ang pinsalang idinulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ngayong araw,
Western Visayas ang nanguna sa may pinakamataas na pinsala sa sektor ng agrikultura na mahigit P678 Million.

Sinundan ng MIMAROPA na may mahigit P319 Million at Ilocos region na may mahigit P54 Million.

Samantala, tumaas pa sa mahigit 23, 000 na mga magsasaka at mangingisda ang apektado ngayon ng tag tuyot.

Habang halos 18, 000 ektyraya ng mga pananim ang apektado ng El Nino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *