Halos 100 ektarya ng palayan sa Cabusao, Camarines Sur apektado na ng init ng panahon

CAMARINES SUR – Apektado na ng nararanasang sobrang init ng panahon ang halos 100 ektarya ng palayan sa Cabusao, Camarines Sur o 30% mula sa kabuuan nitong 900 ektarya, bagamat irrigated pa ang mga ito o may tubig mula sa National Irrigation Administration.

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Engr. Joey Moral, Head ng Municipal Agriculture Office sa naturang bayan sa patuloy nilang pag-monitor sa mga palayan at taniman ngayong tag-init, ayon sa kanya ang 30% na ito ay ang mga magsasakang nahuling magtanim, mga hindi nakasabay kaya inabot na ng tag-init.

Gayunpaman, itong mga apektadong magsasaka ay makakakuha naman ng financial at technical support sa kanilang ahensiya, lalo na ang mga nakapagpa-insured sa Crop Insurance Company, sabi pa ni Moral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *