Hand grenade, natagpuan sa ilog ng Malinao, Albay

Natagpuan ang isang pampasabog na granada sa ilalim ng Buyag River, Brgy. Ogob Malinao, Albay.

Ayon sa report, hapon nang makatanggap ang mga tauhan ng Malinao MPS ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citized na mayroong isang hand grenade na natagpuan sa nabanggit na lugar.

Nang matanggap ang impormasyon ay agad na ipinadala ang mga kapulisan upang i-verify ang inulat na insidente.

Pagdating sa lugar, maayos na kinordon ng responding team ang lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Agad namang humingi ng tulong ang tanggapan sa RECU5 upang mabawi ang nasabing hand grenade.

Ligtas na narekober ng mga rumespondeng EOD personnel mula sa RECU 5 ang hand grenade.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *