Headline inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Camarines Norte bumagal sa antas na 2.4 % noong Enero

CAMARINES NORTE- Bumagal  ang “headline inflation” o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte noong Enero 2022.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) naitala sa lalawigan ang antas na 2.4 % inflation rate na mas mababa sa 6.3 % sa parehong panahon noong 2021.

Pinakamababa ito sa loob ng apat na taon o mula 2019.

Sa buong Bicol Region ay bumagal din ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa antas na 2.7 % na mas mababa sa 7.7 % sa kaparehong panahon noong 2021.

Pinakamababa rin ito sa rehiyon sa loob ng apat na taon.

Sa anim na probinsiya sa Bicol pinakamabilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo noong Enero sa Sorsogon sa antas na 4.9 %

Habang pinakamabagal naman ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Catanduanes sa antas na 1. 8 %.

Kapag mataas ang inflation kinakailangang gumastos ng mas maraming pera ang mga tao para sa mga serbisyo at produkto na kanilang binibili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *