Healthcare workers sa PH na tinamaan ng COVID-19, halos 22K na

Pumalo na sa 21,980 ang kabuuang bilang ng mga healthcare workers sa buong bansa na tinamaan ng covid-19, base sa huling datos ng Department of Health (DOH).

Ayon sa ahensya, mula sa nasabing bilang ay umakyat na sa 21,671 ang recoveries o mga gumaling na mula sa sakit.

Ang healthcare workers naman na binawian ng buhay dahil sa covid-19 ay nasa 102 na.

Batay pa sa datos ng DOH, ang mga aktibong kaso ng covid-19 sa hanay ng healthcare workers ay umaabot pa sa 207.

Sinabi ng DOH na ang mga nurses pa rin ang nangunguna sa mga health workers sa bansa na tinamaan ng covid-19.

Sinundan naman ito ng mga doktor, nursing assistant, medical technologist, medwife at iba pang medical at non-medical healthcare workers. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *