Isang Centenarian sa lungsod ng Tabaco, pinakamatandang nabakunahan sa COVID-19

BICOL—Kabilang na sa vaccinated population ang isang centenarian sa lungsod ng Tabaco matapos itong magboluntaryo mismong magpabakuna kontra COVID-19.

Ang 100 taong gulang na si Fidela Bondoy ng Barangay Bongabong sa nasabing lungsod ay hindi nagdalawang-isip na makipagsabayan sa pagpapabakuna sa gitna ng banta ng COVID-19.

Ayon kay Barangay Chairman Martin Borlasa, gusto pa sana ni lola Fidela na pumila sa vaccination center subalit inabisuhan ito ng mga City Health Unit personnel na pupuntahan na lamang nang personal sa kanyang bahay upang hindi na ito lumabas.

Kasabay rin ni lola Fidela na nabakunahan ang kanyang mga anak na nasa A2 t A3 priority groups. Si lola Fidela na ang itinuturing na pinakamatandang nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa lungsod ng Tabaco.

Magugunita na bago ito, isang 99-anyos na lola sa bayan ng Tiwi, Albay ang nabakunahan na rin sa COVID-19 na nakilalang si Lola Maria Paz Dacir na magdiriwang ng kanyang ika-100 na taong kaarawan sa darating na Setyembre.

Dahil dito, marami ang humanga sa dalawang lola na walang takot na nagpabakuna sa gitna ng mga agam –agam ng ibang mga mas bata pa sa kanila.

Payo ng Department of Health (DOH) sa mga Bicolano, huwag matakot na magpabakuna dahil higit itong kailangan ngayon matapos na makapagtala na ng iba’t-ibang variants ng COVID-19 sa rehiyon.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *