Helper, arestado sa drug buy-bust ops sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Tiklo ang babaeng helper sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 1, Brgy. Penaranda, Legazpi City.

Sa report ng mga otoridad, pinagbentahan ni alyas “Johanna” 24 anyos ang poseur buyer ng isang pakete ng pinaniniwalaang “shabu” at nang magkaabutan na ng drug items, dito na siya inaresto.

Narekober sa kanya ang humigit-kumulang 5 gramo ng shabu na nagkakahalagang PHP34,000 at perang ginamit na buy-bust money na PHP14,000.

Kasalukuyan na itong nasa kostudiya ng himpilan ng pulisya habang inihahanda naman ang kasong isasampa sa kanya na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *