1 patay 1 sugatan sa aksidente sa Aborlan, Palawan

Patay ang isa habang isa ang sugatan sa banggaan ng dalawang behikulo sa National Highway ng Brgy. Iraan, Aborlan, Palawan kagabi.

Ang nasawi ay kinilala ng pulisya na si Noe Manuel, 39 anyos, drayber ng topdown na may isang sakay na residente ng Iraan.

Ang nakabanggaan nito ay si Isidro Escala Jr., 47 anyos na drayber ng multicab, vendor na may kasama rin sa sasakyan nang mangyari ang aksidente.

Base sa imbestigasyon ng PNP, binabagtas ng multicab ang mula sa lunsod ng Puerto Princesa habang ang topdown naman ay mula sa bahaging sur.

Ang topdown ang nagbago ng direksyon at pumasok sa linya ng multicab kaya sila nagbanggaan, base pa sa PNP report.

Dinala agad ang mga biktima sa mga pagamutan para sa medikasyon.

Samantala, inoobserbahan pa sa pagamutan ang iba pang nasugatan sa trahedya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *