Herlene Budol, ibinunyag na sasali siya sa Binibining Pilipinas

Ibinunyag ni Herlene Budol aka “Hipon Girl” na siya ay sasali sa Binibining Pilipinas pageant.

Ayon kay Herlene, ang kanyang manager umano ang naghikayat sa kanya na sumali sa naturang pageant.

Aminado naman ito na sobra sobra ang kanyang kaba, kasabay ng pagbibiro na hindi daw masyadong pasado sa standard ang kanyang utak para sa Binibining Pilipinas.

Sa gitna nito, ibinahagi ni Herlene na sumasailalim siya sa training ngayon para maging beauty pageant contestant.

Hindi naman naitago nito na may ilang tao rin umano na pinagtatawanan lang ang kanyang pagsali sa pageant.

Pero para kay Harlene, ang pagsali niya sa Binibining Pilipinas ay para may mapatunayang sa kanyang sarili at hindi para sa iba. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *