US, isusulong na suspendihin ang Russia mula sa Human Rights Council

Hihilingin ng United States sa UN General Assembly na suspendehin ang Russia mula sa Human Rights Council, matapos akusahan ng Ukraine ang mga tropa ng Russia na pumatay ng mga sibilyan mula sa bayan ng Bucha.

Ang Russia ay nasa ikalawang taon na mula sa three-year term sa Geneva-based council.

Kaugnay nito, two-third majority vote lang ng 193-member assembly sa New York ang kailangan para masuspende ang isang bansa mula sa council, dahil sa paggawa ng gross at systematic violations ng human rights sa panahon ng kanilang pagiging miyembro.

Mababatid na sinabi ng Bucha’s deputy mayor na may 50 mula sa 300 bangkay ang nadiskubre na pinaniniwalaang mga biktima ng extrajudicial killings na gawa ng Russian troops, bagay na itinanggi naman ng Kremlin.

Ayon naman sa Ukrainian authorities, iniimbestigahan na nila ang posibleng war crimes. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *