High-value drug suspect huli sa Cebu City; P14.1M halaga ng shabu, nakumpiska

Naaresto ng anti-narcotics operatives ng Philippine National Police (PNP) ang high value drug personality sa anti-illegal drug operation sa Cebu City, kung saan nakumpiska rin ang P14.1 million na halaga ng shabu.

Kaugnay nito, kinilala ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos ang suspek na si Mark Secretaria Duaban, 42-anyos, na isang high value individual sa PNP drug watch list.

Tiniyak naman ni Carlos, na mananatiling mahigpit ang kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga.

Giit ng PNP chief, hindi titigil ang kapulisan sa pagtugis sa mga sindikato ng iligal na droga saang sulok man ng bansa, sapagkat ito umano ang patuloy na isinusulong na kampanya kontra kriminalidad at tuluyang wakasan ang paglaganap ng pinagbabawal na gamot na sumira ng libong buhay at kinabukasan ng mga kababayan. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *