Highest single day COVID-19 cases at 3 variants of concern, naitala sa Catanduanes

CATANDUANES—Naitala kahapon araw ng Miyerkules ang highest single day COVID-19 cases sa islang lalawigan ng Catanduanes matapos na makapagtala ng 52 bagong kaso ng sakit at tatlong variants of concern.

Batay sa inilabas na report ng Department of Health-Bicol, 20 sa mga nag positibong indibidwal ay mula sa bayan ng San Andres; 11 sa Virac; pito sa San Miguel; anim sa Bato; tatlo sa Caramoran; dalawa sa Pandan habang tag-iisang kaso naman ang mga bayan ng Baras, Panganiban at Viga.

Bunsod nito, sumirit sa 1,182 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan kung saan 203 sa mga ito ang aktibong kaso. Wala namang naitalang bagong recoveries kung kaya’t nanatili sa 968 ang bilang ng mga gumaling habang 11 naman ang mga nasawi.

Kaugnay nito, iniulat din ng ahensya ang pagkaka detect ng tatlong variants of concern sa probinsya kung saan dalawa sa mga ito ay ang Alpha variants habang isa naman ang Beta variant.

Hindi naman tinukoy ng DOH kung saang bayan sa isla naitala ang mga naturang variants of concern ngunit sa kabuuan ay nasa 14 na kaso na ng VOC ang naitatala sa Catanduanes.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *